Ikaw Pa Rin

Disclaimer: Cheesiness ahead.

Night of the Proposal
November 22, 2007

Ikaw pa rin. 

Pagkatapos ng labing apat na taon, sa dami nang napagdaanan nating pagsubok, sa dami nang tawa't luha, ikaw pa rin ang bumubuo sa aking buhay. 

Salamat sa lahat. Salamat sa pagmamahal, tiwala, suporta at sa ligaya. Higit sa lahat salamat na iyong ibinahagi sa akin ang tunay na ikaw; walang labis at walang kulang. Tinanggap kita ng buong buo at patuloy na gagawin magpakailanman. 

Nandito lang ako, iyong sandalan sa mga panahon na ika'y pagod na at gusto nang sumuko. Nandito lang ako at handa kang ipaglaban sa lahat ng gustong umabuso sa iyong kabaitan. Nandito lang ako upang gabayan ka pag ika'y nawawala sa landas. Nandito lang ako sa mga panahon nang kasayahan para ipaalala sayo na karapat dapat kang maging masaya at lahat ng mayroon mo ay pinaghirapan mo. Nandito lang ako para magbigay ng payo sa mga oras na alam kong kinakailangan mo. Nandito lang ako, handang makinig sa lahat ng daing mo sa buhay kahit paulit ulit. Nandito lang ako na handang makinig sa mga pangarap mo at sabay nating tutuparin lahat- isa isa. 

Magkasama tayo habang buhay. Ikaw at ako. Walang iwanan, peksman. 

Mahal kita at mamahalin magpasa walang hanggan.


Subscribe to my Youtube channel: http://www.youtube.com/MsYellowYum
Like my Facebook: http://www.facebook.com/YellowYum
Follow me on Twitter: http://www.twitter.com/MsYellowYum
See my work: http://charlenetanmakeup.tumblr.com
I'm on Instagram: yellowyum
I'm on Snapchat: yellowyum

CONVERSATION

0 comments:

Post a Comment

Ad Placements

Email advertising@yellowyum.com for ad placements.

@YELLOWYUM

Instagram

@YELLOWYUM