Happy 1 Year of Breastfeeding!

Hi everyone! If you didn’t know I have been on hiatus from my blog and videos because I’ve been planning my daughter’s party. Planning a first birthday can be stressful too, you know? And with the O.C. mom like me, it’s no doubt that every single detail, I triple check. I haven’t finished my party planning series just yet so I’ll be doing reverse blogging/videos for those. 🙂

My baby is turning 1 this Wednesday, February 19! Time flies. It’s been an amazing, tiring and fulfilling year so far and I know things will get better as the years to come. With that, I also celebrate my 1 year of breastfeeding. I still breastfeed my daughter and don’t have plans to stop anytime soon. Initially, I thought I’ll go at it for a year and wean her. But after studying and learning about benefits of breastfeeding a toddler, it made me realize that I can still continue it. So I am. 

I wanted to share something I read in a forum. It is a little long but I promise you it’s worth reading. Some text are in Filipino because it’s a local forum and I believe this will help every Filipina mom. Go ahead and look at it.

The more you mix feed, the less milk your body will produce. Every ounce of formula you give is one ounce that you told your body not to produce. Do not fall into the Top Up Trap! 

Ito yung Top Up Trap: Pakiramdam mo kulang ang breastmilk mo ==> Magbibigay ka ng formula/Magta-top up ka ng formula ==> Mabubusog sobra si baby at matutulog ng mahaba (kaya siya nabubusog kasi mabigat sa tiyan ang formula kasi yung composition ng gatas ng baka ay para sa mga baby na baka na merong apat na tiyan eh ang babies natin isa lang ang tiyan; kaya siya matutulog ng mahaba kasi yung energy ng katawan niya ay mapupunta lang sa pag digest kasi hirap siya kasi nga isa lang ang tiyan nya kaya habang nagda-digest, lahat ng energy andun, matutulog ang katawan niya to cope) ==> Mas dadalang ang pagsuso sa iyo ni baby ==> Lalong kakaunti ang gatas mo  ==>Pakiramdam mo kulang ang breastmilk mo ==> At paulit ulit ito hanggang mawala na ang gatas mo (Note: Linagay ko lang sa Filipino ang poster na ito http://goo.gl/fKnQ8e )

Our bodies are wonderfully designed. Kung ano ang kailangan ni baby, yun lang ang gagawin na gatas. So mas madalang si baby sumuso, mas konti ang gagawin ng katawan na gatas kasi iisipin niya hindi naman kelangan; mas madalas si baby sumuso, mas maraming gagawin na gatas ang katawan. Number 1 rule yan sa breastfeeding. Kahit na isang sakong malunggay, gata, fenugreek, brewer’s yeast, malt, atbp ang inumin natin, kung hindi magla-latch si baby ng maayos, hindi gagawa ng gatas ang katawan.

Ang sabi ng marami kaya sila nagfo-formula kasi pag binibigay nila yung breasts nila, hindi natutuwa si baby at iyak ng iyak. That can be because of so many different things. Usual causes are nipple confusion and missed hunger cues. So what can you do to prevent this? 

Wag na magformula. Kung mas marami kang formula na binibigay ngayon, wag mawalan ng pag-asa, basahin ang kwento ni Donna http://www.chroniclesofanursingmom.com/2013/08/guest-post-from-40oz-of-formula-milk-to.html

Cupfeed and do not bottle feed. Ang pag bibigay ng bote ay “nakakatulong” sa pagkawala ng gana ni baby sa suso. Bakit? Kasi mas mahirap ang sumuso sa ina kaysa sa lumunok na lang ng gatas na tumatapon galing sa bote. Ako man si baby, mas gugustuhin ko na lang ngumanga at lumunok.  Ang tawag dito ay nipple confusion. Kaya maraming bata na nakabote na bigla na lang hihinto sa pagsususo at “wala” nang magawa ang nanay. 

Side note: Ang pagpapasuso ay pre-cursor to chewing and to talking. Ang baby na breastfed, mas praktisado ang panga. Mas madali para sa kanila ang pagtawid sa solids at ang pagsasalita.

Bakit magka cupfeed? Kasi sa cupfeeding, hindi nangyayari ang nipple confusion. Kelan pwede mag cupfeed? Pwede as early as pagkapanganak. Ito ang video ng pagcupfeed http://www.youtube.com/watch?v=XY0YTQHR2nA

Sa unang senyales na gutom si baby, mag breastfeed na agad. Pag sobra siyang nagutom, aayawan niya talaga “ang pagtrabahuan” pa para mapalabas ang milk galing sa breasts. 

Iba pang importanteng bagay. Matutong mag hand express. When you hand express, mas nauubos mo ang milk sa breasts, mas nauubos ang milk, mas dadami ang gagawin ng katawan mo. Ito ang file ng paghahand express. http://goo.gl/OMAb1w

Wag kakalimutan na ang tiyan ni baby pagkapanganak ay kasing laki ng holen. Holen lang!  Hindi niya kelangan ng maraming gatas. Eksakto lang ang kakapiranggot na colostrum ni mommy para sa kakapiranggot na tiyan ni baby.  

Tatandaan na hanggang 6 months si baby ang rule ay 1oz bawat oras. So kung nag iwan kayo ng 10oz sa isang araw dahi pupunta ng opisina at kalahating araw pa lang ubos na, sobra ang napapainom ni Yaya, Lola, Tita, Daddy, atbp.

So kung formula ang masama, pwede bang humingi na lang nang humingi ng breastmilk galing sa iba? O bumili kaya? Ganun din yun. Bawat 1 oz ng breastmilk mula sa ibang nanay na binibigay, 1 oz din yun ng milk na sinabi mo sa katawan mo na hindi niya kelangan gawin.

Kung umiiyak si baby, hindi ibig sabihin ay gutom siya, pwedeng naiinitan, nilalamig, may poop, basa, or ang kadalasang dahilan… nami-miss niya lang si mommy. 9 months si baby sa loob ni mommy, yinayakap siya sa loob, mainit, mapayapa. Paglabas nya magulo, maliwanag, mag-isa na siya… syempre mamimiss ka niya kasi mahal na mahal ka niya. 

Mixed feeding mommies are very welcome to BFP but please remember that the goal is to be able to breastfeed your baby exclusively during the first 6 months or until such time that your baby is ready for solid food. 

Happy breastfeeding!

This post is by Clarice Anne Aviñante of Breastfeeding Pinays Group. If you know anyone who may benefit from this, do share this post. 🙂

Subscribe to my Youtube channel: http://www.youtube.com/MsYellowYum

Like my Facebook: http://www.facebook.com/YellowYum

Follow me on Twitter: http://www.twitter.com/MsYellowYum

See my work: http://charlenetanmakeup.tumblr.com

I’m on Instagram: yellowyum

Next Post
Previous Post

Related Post

Charlene Tan

char@yellowyum.com

I'm Char from the Philippines, an entrepreneur, a wife, a mother, a professional makeup artist, a beauty and lifestyle blogger and a Youtuber. I know that a modern woman wears a lot of hats and my blog is a peek at a modern woman’s life. I babble about beauty, motherhood, food, travel and a whole lot more.

No Comments

Sorry, the comment form is closed at this time.

Beauty Looks

Hair

Makeup

Nails

Baby/Infant

Party Planning

Pregnancy

Toddler

Design

Family

Life Vlogs

Quarterly Favorites

Random Ramblings

Rest and Relaxation

Announcements

Sample Room

Events

Giveaways

Youtube Videos